Thursday, January 26, 2012

My Extraordinary Experience

    'DOOG'

         Mula sa pagkabata ko, hindi ko pa nararanasan at hindi ko din naisip o sumagi man sa isipan ko na gawin ang bagay na ito...pero sa kabutihan ng Panginoon, pinahintulutan Niya na gawin ko ito.

         Ngayon ko lang nalaman na masaya palang tumugtog.  Habang hinahampas ko ang drums, naglalabas ito ng tunog na 'DOOG' na parang dagundong, kasabay nito ang tibok ng puso ko.  Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na mag-simula akong tumugtog.

         Ganun pa man, dahil first time ko na tumugtog sa Worship Service at sa harap pa ng mga tao, may kaba pa rin sakin na baka magkamali ako.  
         Oo, nagkamali nga ako, hindi sumakto ang mga 'DOOG' na nililikha ko, sa tunog ng gitara, pero anu naman sakin, ayos lang iyon, marami pa namang pagkakataon at alam kong kulang pa ako sa praktis.

          Hindi na maaalis sakin ang mga dagundong na ito, ipagpapatuloy ko ito, patuloy pa rin akong lilikha ng mga 'DOOG'...at siyempre hindi lang 'DOOG' dahil sisikapin kong madagdagan ang nalalaman ko, hanggang sa maging,' TRAKATAKATAGSTAGADOOGSTUGSTUG!' na siya.

No comments:

Post a Comment